Silent Walking: Viral Workout Trend

Silent Walking: Viral Workout Trend

Narinig mo na ba ‘yung advice na “mag-jog ka para gumaan ang utak” o kaya “lumabas ka lang at maglakad sa labas para luminaw isip mo”? Well, recently may bagong Social trend na nagko-combine ng dalawang ‘yan — at nagiging game-changer siya para sa mental health ng maraming tao.

It’s called Silent Walking.

Basically, naglalakad ka lang — walang earphones, walang kausap, walang kahit anong distraction. Just you, your thoughts, and the environment.


Ano nga ba ang Silent Walking?

Nagsimula itong sumikat nang i-share ng TikTok creator na si Mady Maio na instead of doing “insane cardio,” ang advice sa kanya ay 30 minutes walk per day. Ang twist? Pinayuhan siya ng boyfriend niya na wag mag-music, wag mag-podcast, at totally no gadgets habang naglalakad.

Ayun, biglang kumalat. Ang dami nang nagpo-post ng kanilang experiences na mas “kalma,” mas mindful, at mas connected sa sarili after gawin ang daily silent walk.

Pero kung tutuusin, hindi ito totally bago. Sa Buddhism, matagal nang ginagawa ‘to under the practice called walking meditation. Ang goal: i-clear ang utak, mag-reflect, at gawing form of meditation ang simpleng paglalakad.


Paano ba gawin ang Silent Walking?

Sabi ng mga eksperto, simple lang — pero hindi madali. Dahil sanay tayo na laging may music, notifications, at kausap. Kaya eto ang tips:

  • Maghanap ng tahimik na lugar. Mas okay kung may nature vibes: park, garden, o kahit quiet street.
  • No distractions. Iwan mo phone mo sa bulsa, walang kausap, at kung kaya mo, wag mo rin isama aso mo.
  • Focus sa bawat hakbang at hinga. Pakinggan ang tunog ng paligid, amuyin ang hangin, at magpasalamat sa simpleng moment.
  • Kung di ka makalayo, okay lang. Kahit sa city, basta ikaw at utak mo lang, puwede na.

Pro tip: Kung may mobility issues ka, puwede mo ring gawin ito bilang “sit spot” — umupo lang sa isang tahimik na lugar sa labas, at mag-reflect ng at least 20 minutes.


Ano ang Benefits ng Silent Walking?

Hindi lang ito basta trip-trip sa TikTok. May legit benefits ito:

  • Stress relief & lower anxiety – perfect kung lagi kang overstimulated sa trabaho o social media.
  • Better focus & self-awareness – mas makikilala mo sarili mo at makakapag-set ng clearer goals.
  • Improved mental health – maraming studies na nag-link ng walking in nature sa lower depression at rumination.
  • Physical health boost – nakakapagpababa ng blood pressure, heart rate, at nakakatulong pa sa immune system.

Sabi nga ng psychologist na si Amanda Darnley: “We live in a world that values multitasking — pero ang Silent Walking teaches us to slow down and focus on one thing at a time.”


🩴 Affiliate Corner: Best Slippers for Your Silent Walk

Kung plano mong i-try ang silent walking, malaking tulong kung komportable ang suot mong footwear. Hindi mo kailangan ng mamahaling running shoes agad — minsan sapat na yung quality slippers na breathable at matibay.

🔥 POSE Travelling Sandal Wave Walk - classic, lightweight, at bagay kahit sa quick walks https://vt.tiktok.com/ZSHt2WeM9Mvhw-1P3Ca/

Read more